Bb. Gandang Hari 2012

01/ 28/ 12

Marami-rami na rin akong napuntahang mga pageant simula po noong high school ako. Xempre hindi bilang kandidata kundi bilang host. HAHA. Pero ngayon lang, as in first time kong um-attend ng isang gay pageant o Ms. Gay. HAHA. At ang malupit pa dun, hindi na ako host kundi isa na akong burado, este hurado. ANSABEH?! :))

Laking gulat ko talaga nang maimbitahan akong maging judge. Hindi pa ako makapaniwala at tinanong ko ulit si Sir Roderos (Adviser ng Interact Club sa Imus National HS) kung judge ba o host. Ayun hanggang sa sinabi niyang judge nga daw talaga. Whew! Tatanungin ko sana siya kung bakit ako ang kinuha niya, pero inunahan niya na ako. HAHA. Magkakaroon pala kasi ng Leadership Training Camp ang Interact Club at kabilang sa camp na ito ay ang Bb. Gandang HAri 2012. HAHA. At bilang isang dating officer ng batch 2006-2007, na may experience na sa gantong mga pageant, pasok daw ako sa banga sa pagjujudge. HAHA. ok sige accepted ang rason nila. :))

Syempre hindi lang naman ako ang naimbitahan. Lahat ng naging officer simula 2004 hanggang 2011 imbitado rin. Pero sa ibang part sila ng 3-day camp in-assign. 

Ang mga nasa larawan ay ang aking AMETH Family. HAHA. Syempre nung batch namin kami-kami ng mga tropa ko ang officers. BATAS eh. HAHA lols! :))

From left to right. Me, Corisa, Joko, Alperson and Allan.

Nga pala, ipinakikilala ko sa inyo ang aking matalik na kaibigan, si Allan. Madalas naman kaming magkita kahit papano. Pero ngayon lang, as in ngayon lang kami ulit nagkaroon ng picture na pwdeng ipost. HAHA. Masyado kasing brutal ang girlfriend niya. Mula nang naging sila, almost 3 years ago, hindi na siya pinapayagang sumama sa amin. Kahit sa taon-taong summer outing namin. Pati pictures bawal. HAHA. Grabe diba. Una siyang naging amin at kami lang ang patuloy niyang hahanap-hanapin. CHOS! HAHA. Kaya nga pagkakataon na ito para makapag papicture sa kanya at maipost. :)) Lakas-maka-artista HAHA

Lupon ng Inampalan. Ang mga nasa larawan ay ilan lamang sa mga kasama kong hurado. Siyam kaming lahat. Pero ang nasa larawan ay lima lang. 
From left to right. Ay! Sorry hindi ko maalala ang mga pangalan nila kaya sasabihin ko na lang kung anong propesyon nila o anu sila sa interact noon. HAHA.
  • Light blue na polo – make-up artist 
  • Black na blouse – make-up artist din at may sariling salon
  • Alperson – Interact Vice President batch 06-07
  • ME – Interact Secretary batch 06-07
  • Jobey – Interact Vice President batch 08 – 09

Pangarap na view?

Ni minsan hindi ko naisip na maging judge. Contestant pwde pa pero dun lang sa part ng Q & A. HAHA. Grabe kahit hindi siya ganun kabongga, nandun pa rin yung feeling na sayo nakasalalay kung sino ang mananalo.

Ang hirap pala. Akala ko dati madali lang kasi mang ookray ka lang naman habang nakaupo at hinahainan ng masarap na pagkain. HAHA. Mali pala. Mas mahirap pa yun kesa sa pagiging host. O nasanay na lang talaga ako na ganun ang lagi kong papel sa mga ganung event? 

Masarap sa pakiramdam ang maging hurado kasi napaka special mo. Sa harap ka nakaupo. Kitang-kita mo lahat ng kandidato ng matiwasay at ang sarap pa ng upo mo. Nang ookray ka na nga lang mayat maya ka pa pinapakain. Oha! HAHA

Masarap sa pakiramdam ang maging hurado lalo dun sa part na babasahin na yung credentials mo. Kung ano ka noon at ano ka na ngayon.. Ang sarap pakinggan na ang layo na ng narating mo. :))

Sa unang experience ko na to, hindi ko alam kung gusto kong umulit o gusto ko na lang bumalik sa dating papel ko sa mga pageant. Para kasing bigla kong namis magtatalak sa harap ng madaming tao. O sadjang nabadtrip lang ako sa host nung mga panahon na yun kaya parang gusto kong agawin sa kanya ang mic at sipain siya pababa ng stage. HAHA. Di ako magaling mga kapatid tandaan niyo yan. Pero yung host nung araw na yun eh MALALA. HAHA. lols! 😛

Walang malakas-maka-judge na photo eh. Kaya ito na lang. HAHA

Oha! Hulaan niyo ngayon kung sino ang tunay na babae sa aming dalawa. HAHA. Sinampal ako diba? Ako may bilbil pero siya may curve. HAHA. 

PS: Alam kong may nakikita kayong nakakawindang sa pic na malapit sa muka ko. sarilinin niyo na lang. HAHHA

Panapos na larawan. Si Alfred nga pala, boyfriend ko, sa panaginip. HAHA. JOKE. Wala lang hindi kasi ganyan itsura niya nung high school kami. Super evolved na siya. At super bet ko na. HAHA. Kaya sinulit ko na rin ang pagpapic. HAHA

Bagay ba?! 🙂

Leave a comment