09/25/12
“Ito na siguro ang pinaka malungkot na birthday ko.”
Ewan ko ba kung bakit yan ang iniisip ko bago ako magbirthday. Pero syempre, SOBRANG nagkamali ako! Isa ito sa pinakamasasayang birthday ko! HAHA! Dahil lalo kong naramdaman na magisa man ako kapag weekend, madame namang handang sumama sa akin, pinipili ko lang talagang mag emo. HAHA!
SALUBONG.
Sinalubong namin ng mga grad school classmates ko ang pagsapit ng aking kaarawan. HAHA! Parang New Year lang dba? HAHA! at pagsapit ng 12:00mn, BOOOOM! HAPPY BiRTHDAY to me na!
Inuman mode @ Sara’s UP Village

At dahil makunat ako, Pizza at Sisig lang ang sagot ko. HAHA! Pulutan lang naman ihhh. HAHA!

From left to right, JEnsen, Ralf, Jorelle, Francis, Demetrio, Candeze, me and Mark.
Thanks classmates! Sana magkakaklase pa rin tayo sa mga susunod na subjects =)

09/26/12
At ang bwena mano sa mismong birthday ko, SEPTEMBER 26, ay…
Mackerel in Butter and Basil from the Engineer on Fire, Sir Cristian =)
Salamat kay Sir Cristian dahil hindi niya binigo ang request kong pasta. Alam kong mahirap para sa kanya ang magluto kapag pang umaga siya, kaya naman lubos ang galak ko nang ipagluto niya ko. Salamat salamat. =)

At syempre sinundan pa ito ng napakasarap na cake.
A cake from Mommy G! Super saraaaap! Tunay na pang Aristocrat =)
Eto talaga hirap maka move on. HAHA! Walang kasing sarap. Lasang aristocrat kaya feeling ko presyong aristocrat din to. HAHA! Salamat mommy G salamat!

At dahil hindi pa ako nakakamove on sa cake, I also bought a slice of cake for myself. HAHA! Ito na lunch ko ng araw na iyon.

Ito talaga mabangis. May seminar kasi sa school nung birthday ko kaya ayun napilitan tuloy mag half day sa work. PEro ok lang dahil kumota naman ako kay Maria Ressa. Sobrang dami kong natutunan sa seminar na ito.
#New Watchdogs, New Tricks:
Citizen Journalism in the Era of New Media Forum

After ng mahiwagang seminar, naglibrary muna kami para sa aming natitirang report. HAHA! At after nun syempre, direcho na sa SM North para mag happy happy. HAHA!
Dinner @ Shakey’s with Dom and Mariel =)

Nakakaloka dahil bitay mode talaga ang gabing iyon. Deal 2 ang inorder namin, good for 6 persons yun. Di naman kami masyado gutom diba? HAHA!

Hindi bagay sa kanya. Pero kebs lang. HAHA! Hindi niya alam na birthday ko, ok lang at least sumama siya, =) Kahit hanggang sa huling hininga hindi niya ko binati. HAHA! Syempre dahil nga hindi niya alam dba. HAHA!

Ayun oh! Ang dahilan kung bakit kami ginabi. Nanuod pa kami ng Perks of Being a Wallflower. Pag-iisipan ko pa kung babasahin ko yung book nito. HAHA!

At eto na nga! Tentenentenen!
S-U-R-P-R-I-S-E! ! !

Nakakaloka. Antaray ng cake! Power surprise talaga to. Mag 12mn na kasi ako nakauwi kaya hindi ko ineexpect na hihintayin pa ko ni Bes Trish para dito. *tears of joy and windang*

Salamat Bes Trish! Salamat Mam Renz! Alam kong nakakaluha ang presyo ng cake na ito. HAHA! Salamat salamat! =)

Akala ko hindi na ako makaka BLOW ng candle sa 22nd birthday ko dahil nga for the first time ever, hindi ako magpapainom sa ameth. HAHA! Pero syempre nagkamali ako. Oha may candle ako. HAHA!

Another S-U-R-P-R-I-S-E!
Ang lakas maka star ng fan sign diba? Fan greeting cguro tawag dito? CHos! ehehe! Salamat sa aking GMA FAMILY =)

At xempre hindi papahuli ang aking Ate Love.. Salamat sa ice cream te love!

At ang pamatay na toblerone! nom nom nom! Salamat naman kay Kuya Caloy para dito =)

09/27/12
At dahil nga malandi ako at pinili ko pang unahin ung lalaking mahal ko nung birthday ko, kinabukasan na kami nag dinner celebration ng pinakamamahal kong mga taga 24oras =)
Dinner celeb @ BonChon Chicken -Il Terrazo, Tomas Morato


From left to right, Ruiz, Mommy G, Kuya Mikey, BEs Trish, me and Pasty =)

Ang pinaka nakakaiyak na nangyari sa birthday ko ay nung tumawag si Puge. huhuhu. Miss ko na kasi siya. Kaya sobrang na touch ako nang tumawag siya. Nung una ayaw ko pa sagutin yung tawag kasi number lang na sobrang haba tapos sira nga kasi yung phone ko. Mabuti na lang pala at sinagot ko. HAHA! Kamusta naman nung naguumiyak ako sa canteen habang nagbbreakfast dba? HAHA! Salamats Puge salamats! =)

09/28/12
Eto naman ang birthday celebration part 4 @ Razon’s of Guagua – SM Mall of Asia.
At dahil hindi ako magpapainom sa ameth (location reasons), dinner dinner na lang sa mall. ahaha. syempre hindi ko yan libre ah. halo-halo lang. hahaha. makunat pa din hanggang sa huling hininga =)

09/30/12
And last but not the least, my birthday celebration with my FAMILY @ SM Bowling and Shakey’s SM Mall of Asia







Sagana ako sa cake diba? HAHA!
Salamat sa lahat ng nakaalala. Salamat salamat.
Speechless na ko (sa lagay na to). HAHA!
At higit sa lahat, salamat kay Papa God dahil ibinigay niya kayong lahat sa akin. Ibinigay niya ang lahat na sa tingin niya ay para sa akin.
Nagkamali talaga ako nang isipin kong ito ang pinaka malungkot na birthday ko. Dahil sa totoo niyan, isa ito sa PINAKA MASASAYANG kaarawan ko.
(dami food eh) chos! ahaha
Next year ulit =)